Muling tinuldukan ng mga delegado ng Palawan ang kampeonato sa bisa ng 2-1 sa Sepak Takraw Men’s Regu Secondary Teams Event ng MIMAROPA Regional Athletic Association Meet gamit ang maiinit na bicycles sa pangunguna ng mga sipa ni Karl Derder na nagpangimbal sa koponan ng Occi Min sa RVM Jr. Sports Complex, Marso 14.
Biradang tinapos ni Derder ang laro sa Regu C para sa ginto matapos mailapit ang gitgitan mula nang maghinalo sa mga tira ng kalaban at sunod-sunod na magpaulan ng bicycles, dahilan upang manguna sa first to 17 at pagharian at bakbakan, 2-1 iskor sa Regu C.
Kumamada ng tinatayang 16 pts ang grade 9 atleta, tampok sa asintadong bicycles, cartwheels at blocks para sa Palawan.
Hindi naging madali para sa Palawan ang kanilang puksaan kontra Occi Min sa Regu A ng takraw nang pormahan ni Erasmo ang gitgitan gamit ang malalakas na bicycles para sa iskor na 17-16, 17-16, pabor ang dalawang set sa Occi.
Hindi naman nagpatinag ang defending champ sa pagpasok ng Regu B nang sargong nagpakawala sina Romiala, Abadiano at Paguila ng bicycles, tekong, at cartwheels na nagpatabla sa sagupaan, 15-11, 15-6 kartada sa Regu B.
Walang humpay na opensiba at depensiba sa pagitan ng dalawang koponan ang nanalasa sa deciding game ng Regu C, at magkasunurang pinakawala ni Derder ang kaniyang dalawang huling bicycles, dahilan upang tuluyang maselyuhan ng Palawan ang kampeonato, 15-11, 8-15, 17-14, 2-1 panalo sa Regu C.
“By faith talaga ‘yong laban kanina, during the 3rd Regu, nananalangin kami, kasi imposible na manalo kami, tiwala na sa panginoon ang aming pag-asa” ani ni Webster Rosas, coach ng Palawan.
Sa pagkapanalo ay nagawang ibandera ng Palawan ang ginto at makauusad sa palarong pambansa. Sumalansan naman sa pilak ang delegasyong Occi at tansong medalya para sa PPC.
Kaugnay ng kanilang back-to-back champion, wagi sa tatlong gitgitan ng Men’s Regu ang Palawan kontra mga pambato ng Occi at PPC.
Samantala, sumampa rin ang mga atleta ng Palawan sa isa pang ginto ng kategoryang Best Regu ng Men’s Sepak Takraw.




















Mga larawang kuha ni Dale Arthas Igot