Isinagawa ang isang masigla at masayang Arrival Ceremony bilang bahagi ng MIMAROPA Regional Athletic Meet 2025 sa Baywalk, Lungsod ng Puerto Princesa nitong Marso 10, 2025.

Dinaluhan ang seremonya ng mga School Division Superintendents (SDS), Assistant Superintendents (ASDS), coaches, at mga atleta mula sa Calapan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, Puerto Princesa, at Palawan.

Ipinahayag ni Regional Director Nicolas T. Capulong PhD, CESO III ang kanyang pasasalamat sa mga coach, SDSs, at ASDSs na patuloy na sumusuporta sa mga Sporting Events sa rehiyon.

“My dear coaches, SDSs, ASDSs, thank you for supporting sporting events,” ani Capulong.

Ipinagdiwang din ni Capulong ang malasakit at dedikasyon ng bawat isa sa pagpapalago ng Sports sa rehiyon ng MIMAROPA.

Binigyang-diin ni Capulong ang mahalagang papel ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa sa tagumpay ng kaganapan. Pinuri nito ang pamunuan ng lungsod hindi lamang sa pagho-host ng lokal na mga palaro, kundi pati na rin sa mga internasyonal na kaganapan.

“I would like to commend the city of Puerto Princesa for being a great host, not only for local events but also for International Events that have made your city a beacon for sports and unity, to everyone ibinibigay ko po ang aking malaking respeto at paghanga. Sana po ang event na ito ay maging reminder sa ating lahat na pwede pala tayong magkaisa to bring back the glory that truly belongs to our beloved region”, dagdag pa ni Capulong.

Kaugnay nito, nagpakita ng masiglang performances ng mga tradisyunal na sayaw ang mga mag-aaral mula sa San Jose at Sicsican National High School, Puerto Princesa Pilot Elementary School, at F. Ubay Elementary School.

By Ann Lim

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *