Deprecated: Freemius::maybe_activate_bundle_license(): Implicitly marking parameter $license as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 7780

Deprecated: Freemius::set_license(): Implicitly marking parameter $license as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 12388

Deprecated: Freemius::switch_to_blog(): Implicitly marking parameter $install as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 15633

Deprecated: Freemius::_activate_addon_account(): Implicitly marking parameter $bundle_license as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 18112

Deprecated: Freemius::_store_site(): Implicitly marking parameter $site as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 19711

Deprecated: EFBL_Mobile_Detect::__construct(): Implicitly marking parameter $headers as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/facebook/frontend/includes/Mobile_Detect.php on line 665

Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php:7780) in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-includes/feed-rss2.php on line 8
Donna Falma Viduya – MIMAROPA Regional Athletic Meet https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph Lakas, Talino, Disiplina: Tatak Batang Atleta sa Bagong Pilipinas Fri, 14 Mar 2025 15:21:46 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0 https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/uploads/2025/03/mraa-logo-150x150.png Donna Falma Viduya – MIMAROPA Regional Athletic Meet https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph 32 32 Palawan, dinepensahan ang titulo; aarangkada sa Pambansang Palaro https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/palawan-dinepensahan-ang-titulo-aarangkada-sa-pambansang-palaro/ https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/palawan-dinepensahan-ang-titulo-aarangkada-sa-pambansang-palaro/#respond Fri, 14 Mar 2025 15:21:27 +0000 https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/?p=566 Muling tinuldukan ng mga delegado ng Palawan ang kampeonato sa bisa ng 2-1  sa Sepak Takraw Men’s Regu Secondary Teams Event ng MIMAROPA Regional Athletic Association Meet gamit ang maiinit na bicycles sa pangunguna ng mga sipa ni Karl Derder na nagpangimbal sa koponan ng Occi Min sa RVM Jr. Sports Complex, Marso 14.

Biradang tinapos ni Derder ang laro sa Regu C para sa ginto matapos mailapit ang gitgitan mula nang maghinalo sa mga tira ng kalaban at sunod-sunod na magpaulan ng bicycles, dahilan upang manguna sa first to 17 at pagharian at bakbakan, 2-1 iskor sa Regu C.

Kumamada ng tinatayang 16 pts ang grade 9 atleta, tampok sa asintadong bicycles, cartwheels at blocks para sa Palawan.

Hindi naging madali para sa Palawan ang kanilang puksaan kontra Occi Min sa Regu A ng takraw nang pormahan ni Erasmo ang gitgitan gamit ang malalakas na bicycles para sa iskor na 17-16, 17-16, pabor ang dalawang set sa Occi.

Hindi naman nagpatinag ang defending champ sa pagpasok ng Regu B nang sargong nagpakawala sina Romiala, Abadiano at Paguila ng bicycles, tekong, at cartwheels na nagpatabla sa sagupaan, 15-11, 15-6 kartada sa Regu B.

Walang humpay na opensiba at depensiba sa pagitan ng dalawang koponan ang nanalasa sa deciding game ng Regu C, at magkasunurang pinakawala ni Derder ang kaniyang dalawang huling bicycles, dahilan upang tuluyang maselyuhan ng Palawan ang kampeonato, 15-11, 8-15, 17-14, 2-1 panalo sa Regu C.

“By faith talaga ‘yong laban kanina, during the 3rd Regu, nananalangin kami, kasi imposible na manalo kami, tiwala na sa panginoon ang aming pag-asa” ani ni Webster Rosas, coach ng Palawan.

Sa pagkapanalo ay nagawang ibandera ng Palawan ang ginto at makauusad sa palarong pambansa. Sumalansan naman sa pilak ang delegasyong Occi at tansong medalya para sa PPC.

Kaugnay ng kanilang back-to-back champion, wagi sa tatlong gitgitan ng Men’s Regu ang Palawan kontra mga pambato ng Occi at PPC.

Samantala, sumampa rin ang mga atleta ng Palawan sa isa pang ginto ng kategoryang Best Regu ng Men’s Sepak Takraw.

Mga larawang kuha ni Dale Arthas Igot

]]>
https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/palawan-dinepensahan-ang-titulo-aarangkada-sa-pambansang-palaro/feed/ 0
2025 MRAA Meet: Occi Min, nagpasiklab ng bicycles at cartwheels tungo finals https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/2025-mraa-meet-occi-min-nagpasiklab-ng-bicycles-at-cartwheels-tungo-finals/ https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/2025-mraa-meet-occi-min-nagpasiklab-ng-bicycles-at-cartwheels-tungo-finals/#comments Thu, 13 Mar 2025 12:56:07 +0000 https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/?p=434 Rumaragasang bicycles, asintadong cartwheels, at lumalagitik na tekong ang ibinitaw ng mga atletang pambato ng delegasyong Occidental Mindoro sa pangunguna ng mga sipa ni Jaybe Abayon ng Regu C, para sa impresibong 2-1, panalo sa Semifinals kontra mga pambato ng Puerto Princesa sa gitgitan ng Sepak Takraw Men’s Regu, kaugnay ng MIMAROPA Athletic Association Meet 2025, sa RVM Jr. Sports Complex, Marso 13.

Agaw momentum sa Regu B at C ang mga pambato ng Occi Min, nang magawang tablahin ang laban at maipagpatuloy ang gitgitan sa Regu C.

Sumalansan ang 5’6 atleta na si Jaybe Abayon ng 11 puntos para sa huling regu, tampok sa maiinit na 6 bicycles, 4 cartwheels, 1 heading, kasama ang mga mala pader na depensa at biradang opensa ng kaniyang koponan.

Unang nagpakulo ang koponang Puerto nang kanilang angkinin ang dalawang set sa Regu A, nang magpasiklab ng malalakas at sunod-sunod na bicycles, headings, at cartwheels si Padul, kasama ang pinaghalong lakas at agapay nina Durano at Tejada, 15-10, 15-13.

Ginulantang ng koponan ng Occi Min ang kanilang kalaban sa pagpasok ng unang set ng Regu B, matapos nilang agawin ang momentum mula sa paghihinalo ng Puerto at tambakan ito ng maiinit na bicycles at cartwheels nina Erasmo at Daprosa, 15-9.

Samantala, hindi nagpatinag ang Puerto nang dominahin ni Madrona ang kalaban sa ikalawang set mula sa kaniyang umaaribang atake gamit magkakasunod niyang bicycles at headings, 15-9, pabor sa Puerto.

Pilit mang umaagapay si Madrona upang ipaglaban ang kaniyang koponan sa ikatlong set ay agad namang nagpatikim ng ilang bicycles ang mga pambato ng Occi Min upang tuluyang tipakin ang Regu B, 15-7.

Nanatili ang bangis ng Occidental Mindoro sa deciding game, Regu C, nang pumasok sa court si Abayo at pambihirang sumalaksak ng malalakas na bicycles at carthwheels, sabayan pa ng depensa at atake ni Ma at Laredo, dahilan upang kanilang tuluyang ipagkait ang puwesto sa Finals sa koponang Puerto, 15-8, 15-5. 2-1 pinal na iskor, kampeon kontra Puerto.

“It was a well deserve game in both teams, sa PPC credits sa kanila ang gagaling nila, medyo pumabor lang saamin ang game kaya kami nanalo” ani ni Celestino F. Gadiano Jr., head coach ng Occidental Mindoro.

Dagdag pa ng coach ay ibibigay nila umano ang kanilang best para sa kanilang laban kontra sa mga pambato ng Palawan bukas.

Kaugnay nito, asahan ang mainit na dikdikan sa pagitan ng Occidental Mindoro at Palawan na muling maghaharap sa ikatlong pagkakataon para sa finals.

Mga kuha ni: Dale Arthas S. Igot

]]>
https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/2025-mraa-meet-occi-min-nagpasiklab-ng-bicycles-at-cartwheels-tungo-finals/feed/ 1
PPC, Nagpakitang-gilas sa Men’s Regu Game 1  https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/ppc-nagpakitang-gilas-sa-mens-regu-game-1/ https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/ppc-nagpakitang-gilas-sa-mens-regu-game-1/#respond Wed, 12 Mar 2025 07:10:40 +0000 https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/?p=365 Tumipak ng mabibilis at malakilabot na tekong at bicycles ang mga pambato ng Puerto na sina Antonio Fuentes at Cloyd Padul para sa impresibong 2-0, panalo kontra Marinduque sa Elimination round ng Sepak Takraw Men’s Regu Game 1, MIMAROPA Regional Athletic Association Meet sa Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex, Puerto Princesa, Palawan, kanina. 

Maagang pinormahan ng Puerto ang laban, sa pangunguna ng 9 palasong mga tekong ni Fuentes sa Regu A, kasama ang pinaghalong lakas nina Madrona at Gacot sa bicycle, 15-4 iskor sa unang set, at 15-12 iskor sa ikalawang set. 

Patuloy sa pag-opensa at depensa ang koponan ng Puerto Princesa sa Regu B, nang tumirada sina Padul at Jusay ng lumalagitik na atake gamit ang bicycle kasabay ang mga tekong ni Durano, 15-12 iskor sa unang set. 

Umiba ang ihip ng hangin sa pagpasok ng ikalawang set, matapos umalagwa ng maiinit na headings ni Sales ng koponang Marinduque na nagpagulantang sa mga pambato ng Puerto, 15-10, pabor sa Marinduque. 

Kakaibang determinasyon ang nanalasa sa mga atleta ng Puerto sa pagpasok ng deciding set nang bumitaw si Padul ng mababangis na bicycles at headings upang tuluyang ipako ang 15-11 na iskor, 2-0 panalo para sa Puerto. 

“Sa bawat araw na training namin, lagi namin sinasabi na ang labang ito ay araw-araw, gamitan lagi ng determinasyon at tiwala sa sarili” ani ni Jason Oaper, coach ng PPC. 

Ani naman ni Fuentes ng koponang PPC, malakas man ang kalaban sa kanilang susunod na game, ay gagawin pa rin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang subukang talunin ang defending champion. 

Sa kabila nito, panalo naman sa pagtira koponan ang Occidental Mindoro sa kanilang unang game kontra mga pambato ng Oriental Mindoro, 2-1.

]]>
https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/ppc-nagpakitang-gilas-sa-mens-regu-game-1/feed/ 0