Deprecated: Freemius::maybe_activate_bundle_license(): Implicitly marking parameter $license as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 7780

Deprecated: Freemius::set_license(): Implicitly marking parameter $license as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 12388

Deprecated: Freemius::switch_to_blog(): Implicitly marking parameter $install as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 15633

Deprecated: Freemius::_activate_addon_account(): Implicitly marking parameter $bundle_license as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 18112

Deprecated: Freemius::_store_site(): Implicitly marking parameter $site as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php on line 19711

Deprecated: EFBL_Mobile_Detect::__construct(): Implicitly marking parameter $headers as nullable is deprecated, the explicit nullable type must be used instead in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/facebook/frontend/includes/Mobile_Detect.php on line 665

Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/plugins/easy-facebook-likebox/vendor/freemius/includes/class-freemius.php:7780) in /home/depedpuertop/public_html/mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-includes/feed-rss2.php on line 8
Monique Tucay – MIMAROPA Regional Athletic Meet https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph Lakas, Talino, Disiplina: Tatak Batang Atleta sa Bagong Pilipinas Fri, 14 Mar 2025 08:50:09 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0 https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/wp-content/uploads/2025/03/mraa-logo-150x150.png Monique Tucay – MIMAROPA Regional Athletic Meet https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph 32 32 Aldaya, bumida sa lay ups; Leopard aarangkada sa Palarong Pambansa https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/aldaya-bumida-sa-lay-ups-leopard-aarangkada-sa-palarong-pambansa/ https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/aldaya-bumida-sa-lay-ups-leopard-aarangkada-sa-palarong-pambansa/#respond Fri, 14 Mar 2025 08:50:09 +0000 https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/?p=521 Nagpasiklab ng mga asintadong lay ups at nakasisindak na 2 point shot ang ipinakita ni Dominique Albert C. Aldaya ng Palawan para angkinin ang ginto sa impresibong 21-14, kontra Marinduque sa 3×3 Men’s Basketball Championship Secondary kaugnay ng MIMAROPA Regional Athletic Association, sa Ramon V. Mitra Sports Complex, Puerto Princesa City, nitong ika-14 ng Marso.

Patuloy na namayagpag ang atletang nagmula sa Narra Integrated School kahit sa matinding gitgitan at depensa ang lumapat sa mga unang minuto ay nagawa itong lagpasan ng Palawan matapos na makahawak ng bola ang 15 anyos na atleta at sunod-sunod na 2 point shots ang ipinamalas nito, 5-0.

Sumalansan si Aldaya ng 10 puntos tampok sa kaniyang maiinit na 4 lay-ups at rumaragasang 2 point shot upang tuluyang selyuhan ang panalo.

“Itong mga batang ito ay nireserve ko talaga para sa 3×3 kasi yung dalawa diyan ay naglalaro na para sa National si Aldaya yung captain ball ko at Angintagpan”, pahayag ni Charlene Grace A. Escala, coach ng Palawan. 

Ayon pa coach minsan ding nakaranas ng rejection ang kaniyang mga manlalaro ngunit hindi ito naging hadlang subalit naging inspirasyon nila ito para bumalik nang mas malakas. 

Agad na umarangkada ang Palawan sa pagsapit pa lamang ng unang mga minuto ng laro matapos magpakawala ni Aldaya ng mababangis na jumpshots at galing sa pagdepensa dahilan upang pangunahan ang laban, 7-2.

Sinubukan mang dumepensa at makapuntos ng Marinduque ngunit hindi ito umubra sa pinaghalong lakas nina Aldaya at Angintagpan, 2nd best player, sa pagtira at pagdepensa, mula sa kanilang lumalagablab na jumpshots at pambihirang liksi dahilan upang manguna sa laro, 16-10.

Patuloy ang sigawan at hiyawan ng mga taga suporta ng Palawan sa huling mga nalalabing minuto nang tuluyang patumbahin ng 5’4 manlalaro na si Aldaya ang kalaban nang magpasiklab ito nang magkakasunod na lay ups, at jumpshot, 21-14 panalo kontra Marinduque. 

Nagawang maibandera ng Palawan ang gintong medalya para sa MIMAROPA RAA Meet 2025 at susubukan namang makopo ang ginto sa darating na Palarong Pambansa 2025. 

Samantala, nasungkit ng Marinduque ang pilak matapos magpamalas ng lakas ng opensa at depensa habang naiuwi ng lungsod ng Puerto Princesa ang tanso.

Larawang kuha ni Dale Arthas Reigner

]]>
https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/aldaya-bumida-sa-lay-ups-leopard-aarangkada-sa-palarong-pambansa/feed/ 0
Badajos, nag-aalab sa Opensiba; kinamkam ang panalo laban sa Calapan https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/badajos-nag-aalab-sa-opensiba-kinamkam-ang-panalo-laban-sa-calapan/ https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/badajos-nag-aalab-sa-opensiba-kinamkam-ang-panalo-laban-sa-calapan/#respond Wed, 12 Mar 2025 07:39:59 +0000 https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/?p=385 Sumibat ng lay-up at nakatitindig-balahibong 2 points shots si Onien Badajos ng Puerto Princesa City para sa impresibong 21-11 , panalo kontra Calapan City sa 3×3 Basketball  Boys secondary 1st Elimination Round kaugnay ng MRAA Meet 2025, sa Ramon V. Mitra Sports Complex, Puerto Pincesa City, nitong ika-12 ng Marso. 

Umalingasaw ang determinasyong magwagi ng 15 anyos atleta mula sa Palawan National School sa pagdaan ng gitnang bahagi ng laro matapos na pilit agawin ng Calapan ang momentum subalit hindi rin nagpadaig ang basketbolista ng PPC nang nagpakawala ito ng sunod-sunod na 2 point shot at lay-up na nagpakampante sa mga taga-suporta, 15-6,

Tinapos ni Badajos ang laro matapos sumalasan ng 21 puntos tampok ang kaniyang nagliliyab na 6 lay-ups at ang kaniyang rumaragasang 2 points shots upang tuluyang selyuhan ang kampeonato.

“Hindi naging madali dahil iba-iba sila nang ugali pero napawi naman ito ng magsama-sama sila sa quartering” pahayag ni Toby M. Tadlas, coach ng Puerto Princesa. 

Ayon sa atleta, kung ano ang laging turo at payo ng kanilang coach ay ginawa lamang nila at hindi basta-basta nagpakampante kahit elimination round pa lamang ito. 

Sa unang mga minuto ng laro ay agad na ipinakita ni Badajos ang kaniyang bangis matapos kumana ng dalawang 2 point shots, 4-0. 

Hindi rin nagpasindak ang manlalaro ng Calapan na unti-unting humahabol at nagpakawala ng mga jumpshots subalit, hindi ito naging dahilan para ungusan ang Puerto Princesa. 

Pinaghalong tikas at bangis ni Badajos at Ellevera mula sa kanilang mga pasiklab na jumpshots, lay-ups at pambihirang liksi ni Badajos sa pag 2 points shots dahilan upang wakasan at tuluyang tapusin ang laban, 21-11.

Sa pagkapanalo ng Puerto Princesa, ay aarangkada sila sa ikalawang Elimination Round kontra Oriental Mindoro upang ipagpatuloy ang pagbandera sa PPC at susubukang itakas ang kampeonato.

]]>
https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/badajos-nag-aalab-sa-opensiba-kinamkam-ang-panalo-laban-sa-calapan/feed/ 0
Di Lang Panturismo, Pang-Isports Pa! https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/di-lang-panturismo-pang-isports-pa/ https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/di-lang-panturismo-pang-isports-pa/#respond Tue, 11 Mar 2025 02:35:42 +0000 https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/?p=254 Hindi maikakaila ang pag-usbong ng Puerto Princesa bilang sentro ng pandaigdigang palakasan at turismo. Ang lungsod, na dati’y kilala lamang bilang tahanan ng Underground River, tila ngayon tinuturing na Best Sports Tourism Destination sa Pilipinas at Cruise Ship Destination for 2023.

Ngayong Marso 10 – 15 ay gaganapin sa “City in the Forest” ang pinakaprestihiyosong kompetisyong pampalakasan ng mga paaralan sa buong rehiyon ng MIMAROPA — ang MIMAROPA Regional Athletic Association 2025 o MRAA.

Bago ito, napatunayan na ng Lungsod ang kakayahan nitong maging host City para sa mga internasyonal at nasyonal na palakasan tulad ng Batang Pinoy 2024, STRASUC Olympics 2024, 3rd International Dragon Boat Festival, 2024 ICF Dragon Boat World Championships, IronMan 70.3, Philippine Beach Game, Human Chess Tournament, at iba pa.

Patunay ito na ang Puerto Princesa’y may kakayahan mag-host ng malalaking kaganapan pang-Isports. Ang mga makabagong pasilidad at maayos na playing venues na naging patunay ng dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa pagpapalakas ng isports at turismo.

Hindi maitatanggi na ang ganitong mga malalaking kaganapan sa lungsod ay nagbubukas ng maraming oportunidad tulad ng paglikha ng trabaho at kita na mapakikinabangan ng mga mamamayan.

Gayundin, mayroon din itong kaakibat na suliranin tulad ng trapiko at polusyon na kung hindi agad masosolusyonan sa antas pa lamang ng pagpaplano at koordinasyon ay tiyak magbubunga ng alingasngas sa mga apektadong mamamayan. Kung hindi mabibigyang pansin ang mga suliraning ito, baka mauwi lamang sa magagandang alaala ang kasalukuyang tagumpay.

Ang pagkilala bilang isang “Sports Tourism Capital”” ay hindi lamang parangal kundi responsibilidad. Dapat itong magsilbing inspirasyon para sa lokal na pamahalaan na mas pagbutihin ang imprastruktura, palawakin ang turismo, at siguruhin ang pangmatagalang kaunlaran.

Ang isinasagawang hakbang ng Lungsod na makilala bilang sentro ng pampalakasan ay patunay na hindi lamang gandang pangkapaligiran ang taglay nito, bagkus mga isports pasilidad na world-class na isang potensyal na aspeto sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.

Guhit ni: Karl Gabriel G. Buenafe

]]>
https://mimaroparaa.depedpuertoprincesa.ph/di-lang-panturismo-pang-isports-pa/feed/ 0