Sumibat ng lay-up at nakatitindig-balahibong 2 points shots si Onien Badajos ng Puerto Princesa City para sa impresibong 21-11 , panalo kontra Calapan City sa 3×3 Basketball Boys secondary 1st Elimination Round kaugnay ng MRAA Meet 2025, sa Ramon V. Mitra Sports Complex, Puerto Pincesa City, nitong ika-12 ng Marso.
Umalingasaw ang determinasyong magwagi ng 15 anyos atleta mula sa Palawan National School sa pagdaan ng gitnang bahagi ng laro matapos na pilit agawin ng Calapan ang momentum subalit hindi rin nagpadaig ang basketbolista ng PPC nang nagpakawala ito ng sunod-sunod na 2 point shot at lay-up na nagpakampante sa mga taga-suporta, 15-6,
Tinapos ni Badajos ang laro matapos sumalasan ng 21 puntos tampok ang kaniyang nagliliyab na 6 lay-ups at ang kaniyang rumaragasang 2 points shots upang tuluyang selyuhan ang kampeonato.
“Hindi naging madali dahil iba-iba sila nang ugali pero napawi naman ito ng magsama-sama sila sa quartering” pahayag ni Toby M. Tadlas, coach ng Puerto Princesa.
Ayon sa atleta, kung ano ang laging turo at payo ng kanilang coach ay ginawa lamang nila at hindi basta-basta nagpakampante kahit elimination round pa lamang ito.
Sa unang mga minuto ng laro ay agad na ipinakita ni Badajos ang kaniyang bangis matapos kumana ng dalawang 2 point shots, 4-0.
Hindi rin nagpasindak ang manlalaro ng Calapan na unti-unting humahabol at nagpakawala ng mga jumpshots subalit, hindi ito naging dahilan para ungusan ang Puerto Princesa.
Pinaghalong tikas at bangis ni Badajos at Ellevera mula sa kanilang mga pasiklab na jumpshots, lay-ups at pambihirang liksi ni Badajos sa pag 2 points shots dahilan upang wakasan at tuluyang tapusin ang laban, 21-11.
Sa pagkapanalo ng Puerto Princesa, ay aarangkada sila sa ikalawang Elimination Round kontra Oriental Mindoro upang ipagpatuloy ang pagbandera sa PPC at susubukang itakas ang kampeonato.







