Inangkin ng koponan ng Palawan ang korona mula sa koponan ng Puerto Princesa matapos magpasabog ng full step strike, inside kick at malakasang depensa dahilan upang makasungkit ng maraming panalo sa katatapos lamang na Single Round Robin Futsal Secondary kaugnay sa Mimaropa Regional Athletic Association Meet (MRAA) 2025 na ginanap sa Puerto Princesa City Capitol, Convention Hall, Marso 14.

Ipinakita ng Palawan ang kanilang lakas, diskarte, at determinasyon para banderahan ang koponan laban sa anim na delegasyon mula sa rehiyon ng MIMAROPA simula unang sabak ng laro hanggang sa huling laban.

Ayon kay Cherry Ann G. Moises, assistant coach ng Palawan, year round ang training ng mga atleta upang mahubog ang kanilang galing pagdating sa larangan ng futsal at upang makapasok sila hanggang palarong pambansa.

“Simula provincial meet, marami na talaga silang pinagdaanan, hindi na sila umuwi at dito na nila pinagpatuloy ang training sa Puerto para lalo silang lumakas ,” saad ni Moises sa panayam.

Namayagpag ang galing ng mga manlalaro dala ang kanilang bangis sa court gamit ang mga pinagsamang full step strike, counter attack at inside kick sa kabuoan ng laro na magdadala sa kanila sa kapana-panabik na Palarong Pambasa na gaganapin sa Ilocos Sur.

Ayon kay Trisha May M. Nuñez, isa sa mga best players lubos ang galak ng mga manlalaro dahil sa matagal na nilang pinangarap na makapasok sa MRAA Meet, at ngayong nakamit na ang gintong  inaasam-asam.

“Sobrang saya po dahil nakapasok kami sa palarong pambansa, dahil matagal na po talaga naming pinangarap na makapasok dito,” giit ni Trisha sa panayam.

Dagdag pa ni Nuñez, ang pakikipag-ugnayan sa team at pakikinig sa mga payo ng kanilang coach ang nagsilbi niyang gabay upang tulungan ang koponan sa laban.

Ang mga fusalista ng deegasyon ng Palawan ay nagmula sa Quezon National High School sa Poblacion Quezon Palawan.

Samantala, nakamit naman ng delegayon ng Romblon ang ikalawang pwesto habang lumapag sa ikatlong pwesto ang Puerto Princes City na dating may hawak ng kampeonato.

Larawang kuha ni Dale Arthas Igot

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *