Pinangunahan ni Dr. Nicolas T. Capulong, CESO III, Regional Director at Overall Athletic Manager ang ginanap na Solidarity Meeting kaugnay sa MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) 2025 na ginanap sa Puerto Princesa Ramon V. Mitra Sports Complex, Basketball Court, nitong ika-11 ng Marso.
Dinaluhan ng Deped Regional official, technical officials, coaches, trainers, at tournament managers mula sa iba’t ibang delegasyon ang pagpupulong na may layuning talakayin ang mahahalagang aspeto ng kompetisyon katulad ng mga alituntunin, iskedyul, at iba pang detalye upang masiguro ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng palaro.
Ayon kay RD Capulong, maging bukas sana ang bawat delegasyon sa pagtanggap anuman ang magiging resulta para sa ikatatagumpay ng palaro.
“Part of playing is acceptance of the result unless there’s a reason to complain. Sana panatilihin din po natin ang ganitong pag-iisip na maging open-minded po tayong lahat. Gawin po nating mahusay, organisado ang ating laro ngayong taon”, paaalala ng Overall Athletic Manager sa kaniyang talumpati sa pagpupulong.
Tiniyak din ng Regional Director ang kaligtasan ng mga atleta at mga coaches kaugnay sa nararanasang mataas na heat index ng siyudad.
“Kung talagang mainit na mainit ang panahon isususpend natin ang outdoor activities from 9:00am or 10 ng umaga hanggang alas tres ng hapon. We have to guarantee the safety of our athletes of course the referees and our coaches and trainees”, saad ni sir Capulong.
Samantala, ipinahayag din ng director na nais siyang makamit muli ang second best most discipline delegation sa darating na Palarong Pambansa kahit na kakaunti lang ang maiuwing panalao sa iba’t ibang kompetisyon.
“It is always my aspiration that our delegation for the Palarong Pambansa will bring home- not the whole piece of the bacon but at least some piece of the bacon. But more than that sana mapanatili natin sa palarong Pambansa ang second best sa most discipline delegation”, giit pa ni Dr. Capulong.
Nagtapos ang meeting sa pagkakaroon ng oryentasyon sa bawat sports event kung saan pinag-usapan ang mga ground rules, schedule, venue ng palaro at iba pang detalye na pinangunahan ni Dr. Esmeraldo G. Lalo, Regional Sports Officer.















