Ibinandera ni Kenn Lucero ang koponan ng Puerto Princesa City sa larangan ng Long Jump matapos na masungkit ang kampeonato sa MIMAROPA RAA Meet 2025 Long Jump Mens Secondary Finals sa RVM Sports Complex, nitong Miyerkules.
Bitbit ang purong determinasyon, nakapagtala ng nakapaninindig-balahibong 6.81m na layo sa pagtalon ang pambato ng PPC upang makamit ang kaniyang inaasam na ginto.
Hindi naging hadlang para sa manlalarong ito ang presyur ng “homecourt advantage” nang kaniyang patunayan na nananalaytay sa kaniyang dugo ang tikas ng katawan.
Samantala, sa kategoryang Mens Elementary at Womens Secondary ay nakuha nina Ariel Galindez at Maria Cristina Indaya ang ginto sa kani-kaniyang kategorya para sa Oriental Mindoro.














Mga kuha nina Ricchie Alim at Antonette Latube