Aarangkada ang Mariduque matapos talunin ang Oriental Mindoro sa pamamagitan ng nag-aalab na flyball, 2-1, sa MRAA Men’s Baseball Secondary na ginanap sa Palawan National School kaninang umaga. 

Mainit ang lagay ng laban sa 3rd-half inning ng laro matapos magkaroon ng homerun ang Marinduque na nagsilbing dahilan ng kanilang pag-abante kontra OrMin, 1-1. 

Kumupo ng 2 puntos ang Marinduque tampok ang kanilang flyball, homerun, catch at bunt.

Ayon sa coach ng Marinduque na si Dennis Ibahan, lubos ang kanilang kasiyahan matapos ang pagkapanalo dahil malaki ang kanilang tiyansa na makakuha man lang ng bronze medal.

“Overjoyed kami dahil malaki ang tiyansa namin na makapwesto sana sa podium kahit sa bronze man lang ay may pag-asa kami makapuwesto dito [podium]. At least, may mauuwi man lang kami na medals para sa probinsiya namin”, aniya. (dq)

Sunod-sunod ang strike ng Tamaraw sa first inning ng laro, kasama ang isang outside at foul samantalang pumalo naman ng isang catch ang Marinduque matapos nito.

Flyball naman mula sa Oriental Mindoro ang nangyari sa ikalawang in ng laro na agad namang nasalo(catch) ng Marinduque, 1-0, nagpatuloy ang OrMin sa 3rd base matapos nito.

Bitbit ng Marinduque ang pinagsamang homerun at flyball sa 3rd in ngunit agad naman itong binawian ng Oriental Mindoro sa pamamagitan ng ang sunod-sunod na strike ng pitcher ng kabilang koponan, 1-1.

Kumamada naman ng magkakasunod na catch ang Marinduque sa 4th in ng laro, 2-1.

Makaraan ang 5th in, muntik nang makarating ang Oriental Mindoro sa base ngunit agad naman itong napigilan ng isang catch mula sa kabilang koponan, matapos nito nakamit ng Marinduque ang homerun at kanila nang tinapos ang laro. 

Saad ng Captain Catcher ng Marinduque na si Mark Prince Lozano, laking pasalamat niya sa kaniyang team dahil nagkaisa sila at nagkaroon ng komunikasyon.

“Nagpapasalamat ako sa kanila dahil nagkaisa kami at nagkaroon ng communication ang lahat tapos ‘yun, puso ng Marinduqueño”, sambit ni Lozano.

Nagtala naman ng 1puntos ng Tamaraw ngunit hindi sapat para umabante sa susunod na laban.

Magpapatuloy naman ang laro ng Marinduque kontra Palawan, bukas, Marso 14 sa Palawan National School Oval.

Kuha ni: Dale Arthas Igot

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *