Aabante sa Palarong Pambansa ang koponan ng Palawan matapos paliparin nang sunod-sunod ang bola para angkinin ang kampeonato,10-0 kontra sa pambato ng Mariduque sa katatapos na Final Game Secondary Baseball Finals, MRAA 2025 na ginanap sa Palawan National School Field nitong Marso 14.
Humagupit ng napakalakas na flyball ang mga atleta ng Palawan para makarating ang bola sa kabilang bahagi ng field dahilan upang makailang ulit na homerun.
Pumukol ng 10 puntos ang leopard bida ang kanilang flyball, hit-and-run, bunt at homerun para pagharian ang field.
Ayon kay Mark Chinel Saclet, coach ng koponan, consistent na practice at disiplina ng mga atleta at araw-araw na pag-eensayo ang ginawa nilang paghahanda upang hindi sila mahirapan sa laban.
“Consistent na practice, then discipline para sa mga bata at araw-araw na training tapos yung suppurta na galing kay Engineer Ted. ,yung number 1 supporter namin kaya talagang hindi kami masyadong nahirapan”, wika ni Saclet.
Umpisa pa lang nagpakitang gilas na ang Palawan kung saan dalawang beses itong umikot para makamit ang homerun, 2-0.
Pumalo nang nag-aalab na flyball ang leopard sa 3rd inning kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang koponan upang makuha ang homerun. Hindi pa nakontento ang delegasyon at bumanat pa ito ng Hit-and-run para matamo ang homerun, 3-0.
Pagsapit ng 4th inning agad ng bumitaw ng flyball ang Palawan na naging daan upang masungkit ulit ng homerun, 1-0.
Lalong umalab ang determinasyon ng leopard sa kalagitnaan ng huling inning matapos magpasiklab ito ilang beses na hit-and-run at sunod-sunod na homerun na nagtala ng kanilang panalo, 5-0.
“Na-challenge naman po kasi kami sapagkat medyo na-pressure kami dahil malakas din ang kalaban tsaka may training sila kaya medyo nahirapan kami”, wika ni Carl Mark, Captain ng koponan.
Samantala nakamit naman ang Puerto Princesa City (PPC) ang medalyang Pilak habang nasungkit ng Marinduque ang Tansong medalya.





Mga larawang kuha ni Dale Arthas Igot