Mula sa pinakamababang puwesto kahapon, umariba na sa unang puwesto ang delegasyon ng Puerto Princesa City sa Overall Standing ng ikalawang araw ng 2025 MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) Meet matapos humakot ng 43 gold, 32 silver at 22 bronze, Marso 13.
Nagliliyab pa rin ang silakbo ng delegasyon ng Palawan para bawiin ang trono at kasalukuyang pumapangalawa na mayroong 29 gold, 30 silver at 27 bronze samantalang nasa ikatlong puwesto naman ang Oriental Mindoro na mayroong 23 gold, 21 silver at 28 bronze.
Sinusundan naman ito ng delegasyon ng Calapan na nasa ikaapat na puwetso na mayroong
12 gold, 21 silver at 15 bronze habang nasa ikalimang puwesto naman ang delegasyon ng Occidental Mindoro na humakot ng 10 gold, 8 silver at 18 bronze. Nasa ikaanim na puwesto naman ang delegasyon ng Marinduque na mayroong 2 gold, 1 silver at 1 bronze at sinusundan ng Romblon na mayroong 1 gold, 7 silver at 16 bronze.
Nanguna ang Puerto Princesa sa ‘Elementary Medal Tally’ matapos mangolekta ng 19 gold, 13 silver at 5 bronze at sinundan ng delegasyon ng Palawan sa ikalawang puwesto na may 14 gold, 13 silver at 15 bronze. Oriental Mindoro naman ang nasa ikatlong puwesto na may 8 gold, 12 silver at 10 bronze.
Nasa ikaapat na pwesto naman ang delegasyon ng Calapan na may 5 gold, 6 silver at 10 bronze, Occidental Mindoro naman ang nasa ikalimang puwesto na may 4 gold, 4 silver at 7 bronze, Marinque naman ang ikaanim na puwesto na may 2 gold at 1 bronze at sinundan ng Roblon na may 4 silver at 8 bronze.
Pinagharian pa rin ng delegasyon ng Puerto Princesa ang ‘Secondary Medal Tally’ matapos humakot ng 24 gold, 19 silver at 17 bronze at pinangalawahan ng Palawan na may 15 gold, 17 silver at 12 bronze.
Nasa ikatlong puwesto naman ang Oriental Mindoro na may 15 gold, 9 silver at 18 bronze, Calapan naman sa ikaapat na puwesto na may 7 gold, 15 silver at 15 bronze at sinundan ng Occidental Mindoro sa ikalimang puwesto na may 6 gold, 4 silver at 11 bronze. Ang delegasyon naman ng Romblon ang nasa ikaanim na puwesto matapos humakot ng 1 gold, 3 silver at 8 bronze at sinundan ng Marinduque sa ikapitong puwesto na may 1 silver.
Bagamat hindi pa natatapos ang pinal na proklamasyon ng resulta, nananatili pa ring nagliliyab ang dedikasyon ng bawat atletang makapag-uwi ng parangal at tanghaling kampeon sa MIMAROPA RAA Meet ngayong taon.
Sino ang magniningning at tatatak bilang batang atleta ng bagong Pilipinas na nagtataglay ng talino, lakas at disiplina? Antabayanan lamang ang paglalahad ng resulta mula sa mga susunod pang laro.