Nasungkit ng Tamaraw ang kampeonato matapos magpamalas ng walang patid na lay-up at jumpshot kontra sa Tandikan  para sa 2 digits kalamangan, 70-55 sa ginanap na MRAA 2025 Secondary Men’s Basketball Championship Game  sa PPC Sports Complex Basketball Court nitong Hapon ng ika-14 ng Marso.

Bumida sa court si Jezriel G. Magtuba, MVP ng OrMin nang sunod-sunod na nakapukol ng lay-up at jump shot samahan pa ng tres sa ikaapat na canto.

Kumamada ng 24 puntos ang MVP mula sa kahanga-hangang pinagsamang dos at tress a bawat kwarter.

Ayon kay Magtuba, labis ang sayang kanilang nararamdaman dahil halos tatlong taon na nilang pinapangarap na makamit ang kampeonato.

 “Sobrang saya ang nararamdaman namin dahil almost 3 years na naming pinapangarap ito at ngayon ay nakuha na namin”, ani ng MVP.

Mainit agad ang labanan sa unang canto, nagpakitang-gilas ang parehong koponan sa jumpshot at lay ups na naging dahilan ng kanilang pag-tie, 22-22.

Halos dikit ang resulta ng ikalawang yugto ng laban matapos nitong makipagpalitan ng paulit-ulit na 3 point shots ang Tamaraw kontra Tandikan, 35-31.

Dumadagundong na sigaw mula sa manonood ang sumalubong sa ikaapat na kwarter matapos tambakan ng labing limang puntos ng Oriental Mindoro ang Puerto Princesa na naging dahilan ng kanilang pagkapanalo, 70-55.

Nagtala naman ng kabuuang 11 puntos ang second best player ng Oriental Mindoro na si Arisvince G. Binuya sa ilalim ng ring gamit ang lay ups.

Umiskor ng 17 puntos si Enzo Balingbingng PPC ngunit hindi ito naging sapat upang angkinin ang ginto.

Dahil sa pagkapanalo, magpapatuloy ang delegasyon ng Oriental Mindoro players sa darating na Palarong Pambansa 2025 na gaganapin sa Ilocus Sur.

Samantala, inangkin ng Tandikan ang pilak habang Leopard ang komopo ng tansong medalya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *